MANILA, Philippines – Mariing itinanggi kahapon ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas kaugnay ng mga isyu at kontrobersya na ipinupukol upang ilaglag si Vice President Jejomar Binay kaugnay ng pambansang halalan sa 2016.
Ayon kay Roxas na nakatutok lang siya sa trabaho at mas mabuting ito na lang ang kanyang atupagin kaysa pagtuunan ng pansin ang pakikipagbangayan sa pulitika.
Naghihinala ang kampo ni VP Binay na ang Kalihim ang isa sa mga napapaulat na presidential standard bearer ng Liberal Party sa 2016 national elections ang nasa likod ng pagpapalutang ng mga kontrobersyal na isyu kay Binay.
Binigyang diin pa ng Kalihim na hindi niya alam kung bakit siya ang pinaghihinalaan ng kampo ng bise presidente.