Mister todas sa boga

MANILA, Philippines - Isang 49-anyos na vendor ang binaril at napatay habang ang misis nito ay nadaplisan ng bala sa binti, sa Baseco Compound, Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang biktimang si  Antonio Biong, residente ng Block 1,  Row 11, Unit 81 Habitat, Baseco Compound, Port Area, Maynila. Nasugatan naman sa binti bagamat daplis lamang ang misis nitong si Annabelle, 55.

Inilarawan ang suspek na isang lalaking nasa edad 20-25, nakasuot ng t-shirt na puti, kung saan naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi  sa talipapa ng Baseco.

Nabatid na lumapit ang gunman na nagpanggap na bibili subalit agad na pinaputukan ng 3 beses ang biktima. Dinala ang bangkay sa St. Rich Funeral para sa awtopsiya.

Show comments