QC elderly bibigyan ng libreng bakuna sa pneumonia

MANILA, Philippines - Mahigit 8,000 senior citizens  ang pagkakalooban ng libreng bakuna laban sa pneumonia kaalinsabay sa pagdiriwang ng ika 75thDiamond Jubilee year ng Quezon City.

Kaya naman ay hinikayat ni QC Mayor Herbert M. Bautista ang mga senior citizen sa lungsod na samantalahin na ang pagkakataon na makalibre ng bakuna kontra pneumonia – na isa sa mga ugat ng pagkamatay ng nakararaming matatanda sa ngayon.

Ang pneumonia ay isang inflammatory condition ng ating mga baga (lungs) na kalimitan ay nagkakaimpeksiyon dulot ng mga bacteria at viruses na nakukuha sa paligid.

Ang libreng bakuna ay isasagawa ng mga city health wor­kers sa  October 18  sa ibat ibang health centers  sa anim na distrito ng lungsod.

 

 

 

Show comments