Presyo ng gasoline at diesel tinapyas
MANILA, Philippines – Nag-anunsyo na rin ng bawas-presyo ang ibang kumpanya ng langis matapos na mag-rollback ang Flying V noong Linggo.
Alas-12:01 Martes ng madaling-araw ay magpapatupad ng rolbak ang Petron at Seaoil ng P0.35 kada litro sa diesel at kerosene, bukod pa sa P0.15 kada litrong tapyas sa gasolina.
Magbababa rin ng P0.30 kada litro sa diesel ang Shell, P0.35 sa kerosene at P0.10 sa gasolina.
Sa kaparehong oras ay magrorolbak din ang PTT Philippines ng P0.35 kada litro sa diesel at P0.15 sa gasolina.
Pareho naman sa PTT ang itatapyas ng Phoenix Petroleum, alas-6:00 ng umaga.
Paggalaw ng presyuhan sa pandaigdigang merkado ang dahilan ng bawas-presyo ng mga kumpanya.
- Latest