Mag-ama napagtripang barilin ng adik, todas

MANILA, Philippines - Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang mag-ama matapos na sila ay barilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang namamasada ng tricycle kamakalawa sa Muntinlupa City.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Edmundo  Tan, 39, tricycle driver  at anak nitong si Anniecka  Eunice, 6, kapwa residente #123 San Guillermo St., Purok 6 Barangay Baya­nan ng nasabing lungsod.

Hindi pa kilala ang suspek na agad tumakas matapos ang ginawang krimen.

Sa ulat, dakong alas-4:45 ng hapon sa tapat ng E. P. E Tedted  Store sa Wawa St.,  Purok 8 Barangay Alabang ay naghihintay ng pasahero ang ama at nakaupo sa harapan ang anak nito.

Biglang dumating ang suspek at walang kaabog-abog na pinagbabaril ang mag-ama.

Sa nakalap na impormasyon ng pulisya, talamak umano ang droga sa naturang lugar at iniimbestigahan nila kung drug addict ang biktima at napagtripan lang na barilin ang mag-ama. - Lordeth Bonilla-

Show comments