MANILA, Philippines - Masyado umanong dinamdam ng isang 19-anyos na binata ang pakikipaghiwalay ng nobya kaya’t nagawa nitong tapusin ang buhay sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaner na naganap kahapon sa General Mariano Alvarez, Cavite.
Batay sa ulat, dakong 6:30 ng umaga nang matagpuang bumubula ang bibig at wala nang buhay ang biktimang si Zacarias Abella, estudyante sa loob ng kuwarto nito sa kanilang bahay sa Blk. 4, Lot 21, Brgy. Poblacion 1.
Nabasa ng pulisya ang pakikipagpalitan ng text messages sa cellphone ng biktima sa kanyang nobya na nakipaghiwalay na umano ito.