6 Katao timbog sa drug raid

MANILA, Philippines - Anim na kalalakihan na umano’y drug pusher at user ang nasakote ng mga tauhan ng Valen­zuela City Police sa isang drug den na tadtad ng closed circuit television camera (CCTV).

Ang mga suspek ay kinilalang sina  Randy Ordejon, 43, ng # 88 Aba­los Bukid, Gumamela Extension, Gen. T. De Leon at nasa order of battle ng pulisya dahil sa iligal na droga at may warrant of arrest sa kasong iligal na droga; Elmer Atoli, alyas “Palit”, 28; Joven Marte, alyas “Jojo”, 33, Virgilio Delos Reyes, alyas “Iking”, 39, pawang mga residente rin ng Gen. T. De Leon, Valenzuela at mga dayo na sina Edwin Catuday, alyas “Nonoy”, 27, ng Pabia Street, Tondo, Maynila; at John Paul Caro, alyas “Jay-pee”, 20, ng Country Homes, Cainta, Rizal.

Sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi noong  Biyernes nang isilbi ang warrant of arrest laban kay Ordejon na natiyempuhan sa aktong nagsasagawa ng “pot session” kaya  agad itong naaresto.

Nakuha sa po­sesyon ng mga suspek ang dalawang pakete na nagla­laman ng hinihinalang shabu, iba’t ibang drug paraphernalia, at dalawang “chop-chop” na motorsiklo (3804 UG) at (9379 RH).

Show comments