Catanduanes, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol

MANILA, Philippines - Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Catanduanes alas-12:16 kahapon ng madaling-araw. 

Ayon sa Philippine Institute of Volcano­logy and Seismology (Phivolcs),­ naitala ang epicenter ng lindol 43 kilometro hilagang-silangan ng Virac, may lalim na 19 na kilometro, at tectonic ang origin.Naramdaman ang Intensity III sa Virac habang Intensity II naman sa Caramoan na ang origin ay tectonic.

Makaraan nito, naitala naman ng Phivolcs ang 3.7 magnitude na pagyanig sa may 14 kilometro timog kanluran ng Kidapawan City alas-5:01 ng umaga kahapon.

Ang lindol ay nagtala ng 001 lalim ng lupa at naramdaman ito sa lakas na intensity 3 sa  Makilala, North Cotabato.

Ala-1:01 ng hapon kahapon ay nakapagtala ang Phivolcs ng lindol na may lakas na  4.1.- Angie dela Cruz-

 

 

Show comments