Libong army troops ibubuhos sa Zambo vs Abu
MANILA, Philippines - Upang matuldukan ang kidnapping for ransom at paghahasik ng terorismo ng bandidong Abu Sayyaf Group ay libu-libong tropa ng Philippine Army ang idedeploy sa Zamboanga Peninsula at maging sa BASULTA (Basilan, Sulu, Tawi-Tawi).
Kinumpirma kahapon ni Army Chief Lt. Gen. Hernando Iriberri kaugnay ng kautusan ni Pangulong Benigno Aquino III para pulbusin na ang nalalabi pang mga bandido na nakikisakay ngayon sa popularidad ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).
Sinabi ni Iriberri na kahapon ay nasa isang batalyon ng mga sundalo na nasa 500 ang bilang mula sa Army’s 5th Infantry Division (ID) ang dumating na kahapon sa Zamboanga City at may kasunod pa ito sa susunod na mga araw.
Binigyang diin ng heneral na determinado ang tropa ng Philippine Army na huwag biguin si P-Noy sa direktiba nito.
Tumanggi si Iriberri na tukuyin ang eksaktong bilang ng tropa ng Philippine Army na isasabak laban sa mga bandidong Abu Sayyaf at sa iba pang grupong banta sa pambansang seguridad sa Western Mindanao Region.- Joy Cantos-
- Latest