^

Police Metro

Bulto-bultong marijuana nasamsam

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasamsam ng pulis­ya ang bulto-bultong pinatuyong dahon ng marijuana na aabot sa halagang P6 milyon mula sa dalawang tulak sa ikinasang buy-bust operation, kamakalawa ng umaga sa Caloocan City.

 Kinilala ng pulisya ang mga nadakip na suspek na sina Junel Rugon, 18-anyos, ng Zapote Road, Brgy. 174; at si Aiza Manilag, 23, may-asawa, Block 17 Lot 12 Rose Street, Brgy. 172, ng naturang lungsod.

 Nabatid na nagsagawa ng anti-drug operations group ang pulisya sa tapat ng gate ng Villa Magdalena 3, Brgy. 172. Unang nakuha sa mga suspek ang isang bag na naglalaman ng mga brick ng marijuana.  Nang puntahan ang inu­upahang apartment ni Manilag, nadiskubre ang 18 stokes ng marijuana at 28 bricks ng marijuana aabot sa timbang na 60 kilo at halagang P6 milyon at isang timba­ngan na gamit naman sa pagre-repack nito.

 Hindi naman sinabi ng mga suspek kung saan galing ang marijuana at itinanggi rin ng may-ari ng apartment na alam niya na ginagawang imbakan ng marijuana ang kanyang unit.

Kasong  paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa sa mga suspek habang isinasagawa ang imbestigasyon .

AIZA MANILAG

BRGY

CALOOCAN CITY

DRUGS ACT

JUNEL RUGON

KASONG

ROSE STREET

VILLA MAGDALENA

ZAPOTE ROAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with