Sa harap ng nobyo... Dalaga naholdap, na-gang rape

MANILA, Philippines - Pinilahan ng tatlong lalaki na bangag sa droga ang isang 21-anyos na dalaga sa harap ng kanyang nobyo matapos na sila ay hol­dapin ng mga ito sa Brgy. Pitalo, San Fernando, Cebu.

Ang biktima ay itinago sa pangalang Alessandra, saleslady ng isang mall.

Naaresto naman sa follow-up operation ang dalawa sa tatlong suspek na kinilalang sina Kevin­ Cabrera, 23 at Arnel Ladica, 29; pawang mga kilalang drug addicts sa nasabing barangay. Habang pinaghahanap ang isa pang suspek na nakatakas sa isinagawang dragnet operations.

Sa salaysay ng biktima sa pulisya, dakong alas-3:00 ng madaling-araw noong Setyembre 21 ay naglalakad sila ng kanyang nobyo na itinago sa pangalang Jeron, 25 sa lugar nang harangin ng  tatlong suspek na bangag sa droga at sila ay hinoldap.

Kinulimbat  ng mga suspek ang mga cell phone ng  magkasintahan at ang pera na  mahigit P100 at saka tinanong  kung sila ay magsyota.

Nang tumango ay kinaladkad ang dalawa  sa masukal na bahagi ng  nasabing lugar at dito ay sapilitan silang pinagse-sex upang panoorin ng live at   i-video sa cell phone ng mga suspek.

Tumanggi si Jeron, dahilan may respeto ito sa kaniyang nobya na ikinainis ng mga suspek  kaya’t puwersahang hinubaran ang babae at halinhinang hinalay sa harap ng nobyo na walang magawa dahil may nakatutok na balisong at pinipilit manood sa pambababoy sa nobya.

Nang makaraos ang tatlong suspek ay pinawalan ang magkasintahan.

Nagkaroon ng lakas ng loob na magreklamo ang magkasintahan sa pulisya kung kaya’t isinagawa ang dragnet operations at naaresto ang dalawang suspek kamakalawa ng alas-10:00 ng umaga at sinampa­han na sa kasong robbery with rape.

Show comments