^

Police Metro

‘Mario’ naminsala ng mahigit P1 bilyon

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mahigit P1bilyon ang pinsalang iniwan ng bagyong Mario sa agrikultura at imprastraktura sa Central Luzon at Ilocos Region nitong nakalipas na linggo.

Sa report ni Office of Civil Defense (OCD) Central Luzon Director Josefina Timoteo sa  lalawigan lamang ng Tarlac at Bulacan ay naitala na sa P600.38 M ang pinsala ng bagyo.

Naitala naman sa 75,612 pamilya o kabuuang 375,8113 katao ang naapektuhan ng bagyo sa mga lalawigan ng  Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales. Sa nasabing bilang nasa 2,158 pamilya o 8,245 katao ang nasa  55 evacuation centers.

Pinakamalaki sa napinsala ay sa sektor ng agrikultura na nakapagtala ng P 481.57 M.

Iniulat naman ni Melchito Castro, Director ng OCD-Ilocos Region sa inisyal na assesment sa pinsala ng agrikultura at imprastraktura sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan ay umabot sa P599.74 M.

Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ay hindi pa updated dahilan nasa P31.85 M pa lamang ang naire­rekord na napinsala sa agrikultura sa Cordillera Administrative Region habang P.25 M naman sa imprastraktura sa Metro Manila at nasa 12 katao ang nasawi.

BULACAN

CENTRAL LUZON

CENTRAL LUZON DIRECTOR JOSEFINA TIMOTEO

CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION

ILOCOS NORTE

ILOCOS REGION

ILOCOS SUR

LA UNION

MELCHITO CASTRO

METRO MANILA

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with