^

Police Metro

Judge sa kaso ni Vhong nag-inhibit

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ninais ni Taguig City Regional Trial Court (RTC) Branch 271 Judge Paz Esperanza Cortes na mag-inhibit sa kasong serious illegal detention na isinampa ng aktor na si Vhong Navarro laban kina Deniece Cornejo, Cedric Lee at Zimmer Raz.

Ito’y bilang tugon sa motion for inhibition na inihain ng kampo ng aktor matapos aprubahan ni Cortes ang tig-P500,000 piyansa ng mga akusado kaya pansamantalang nakalaya ang mga ito.
Ayon kay Howard Calleja, abogado nina Lee at Raz, inirerespeto nila ang desisyon ni Cortes at nakaantabay na sila sa bagong hukom sa kaso.

Sabi naman ni Atty. Trian Lawang, kinatawan ni Ferdinand Topacio na abogado ni Cornejo, epektibo pa rin ang piyansang ina­prubahan ni Cortes para sa tatlong akusado.
Nagpasaring naman si Lawang sa pagsasabing tila mga hurado sa noontime show na “It’s Showtime” ang gustong maging judge ng kampo ni Navarro.
Ayon naman kay Alma Mallonga, abogado ng aktor, hindi sila namemersonal sabay giit na matibay ang kanilang kaso laban sa mga akusado.

ALMA MALLONGA

AYON

CEDRIC LEE

DENIECE CORNEJO

FERDINAND TOPACIO

HOWARD CALLEJA

JUDGE PAZ ESPERANZA CORTES

TAGUIG CITY REGIONAL TRIAL COURT

TRIAN LAWANG

VHONG NAVARRO

ZIMMER RAZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with