NLEX road mishap: 1 todas, 21 sugatan

MANILA, Philippines - Dead on the spot ang kundoktor na si Benedict Dipan ng Victory Liner bus habang 21 ang nasugatan  makaraan nitong makabanggaan ang isang dump truck sa ikalawang lane ng North Luzon Expressway (NLEx) sakop ng Pampanga, kahapon ng madaling-araw.

Dahil sa tindi ng pagkakawasak ng harapang bahagi ng bus ay kinailangan pang gamitan ng wrench upang maialis mula sa pagkakaipit ang kundoktor at driver.

Ayon kay Police Insp. Roldan Manulit ng Mexico Police, dakong alas-12:00 ng madaling-araw ay lumabas mula sa gasolinahan at nasa acceleration lane na ang bus at trak nang magkabanggaan.

Isinugod sa Jose B. Ligad Hospital ang 21 sugatan kabilang ang driver ng bus na si Renato Fajardo na nabalian ng dalawang paa.

Tiniyak naman ng Victory Liner na sasagutin ang gastos ng mga biktima.
Ayon sa pulisya, parehong may pagkukulang ang driver ng truck at bus na posibleng maharap sa mga kasong homicide resulting in multiple physical injury and damages to property.

 

Show comments