MANILA, Philippines - Kinondena ng mga mamamayan ng Aliaga, Nueva Ecija ang umano’y pakikialam ni Comelec Chairman Sixto Brillantes para hindi makaupo ang tunay na nanalong alkalde ng kanilang bayan na si Reynaldo Ordanes matapos iutos ng Cabanatuan City Regional Trial Court Branch 30 ang writ of execution sa pagwawagi nito sa halalan noong Mayo 13, 2013.
Nagwagi si Ordanes sa kanyang protesta laban kay dating Mayor Elizabeth Vargas nang 11 boto kaya nag-isyu si Judge Virgilio Caballero ng Cabanatuan City RTC Branch 30 ng Writ of Execution Pending Appeal pero ayaw umalis sa puwesto ang dating alkalde.
Napansin ng mga residente na ang humaharap sa kaso ni Vargas ay ang staff ni Brillantes na si Atty. Kim Co ng Office of the Comelec chairman.
Nabatid pa na naging abogado si Brillantes ni Vargas at ng mister nitong si Marcelo na naging mayor din mula 2001 hanggang 2008.