Drug pusher itinumba sa tapat ng punerarya

MANILA, Philippines - Deretso na sa punerarya ang isang hindi pa kilalang lalaki na pinaghihinalaang drug pusher nang ito ay barilin ng mga hindi pa kilalang suspek kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ang biktima na inilarawan na may taas na 5’5”, nasa pagitan ng edad 30-35 anyos, nakasuot ng pulang t-shirt at itim na short pants.

Nakuha sa katawan ng biktima ang isang pakete na hinihinalang naglalaman shabu habang narekober din ang isang basyong bala ng kalibre .45 baril.

Sa ulat ng Caloocan City Police, dakong alas-11:37 ng gabi nang barilin ang biktima sa tapat mismo ng Saint Mathew Funeral Home.

Malaki ang hinala ng pulisya na sindikato ng droga ang nagpapatay sa biktima.

 

Show comments