MANILA, Philippines - Napatay ang tatlong miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang dalawa naman sa panig ng tropa ng pamahalaan ang nasugatan nang magkaroon ng engkuwentro kamakalawa sa Brgy. Gupitan, Kapalong, Davao del Norte.
Sa ulat, dakong alas-5:45 ng hapon nang masabat ng tropa ng Army’s 72nd Infantry Battalion ang grupo ng mga armadong rebelde sa nasabing lugar na agad nagkaroon ng palitan ng putok.
Ayon kay Captain Alberto Caber, Spokesman ng AFP-Eastern Mindanao Command, nagsasagawa ng security patrol ang mga sundalo at CAFGU ng makasagupa ang mga rebeldeng nangongotong sa mga residente rito.