Bus nagliyab sa Commonwealth

MANILA, Philippines - Isang pampasaherong bus ang biglang nagliyab habang bumibiyahe sa Commonwealth Avenue, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pagliyab sa Kellen bus transport (TXL-238) dakong alas-8:00 ng umaga ay binabaybay nito ang kahabaan ng Commonwealth Avenue, galing ng Bulacan nang mag simulang umusok ang hulihang bahagi o compartment nito sa harap ng Technohub, Brgy. UP Diliman.

Ayon sa mga pasahero na nakaamoy na sila ng tila nasusunog dun pa lamang sa Tandang Sora flyover at  pagsapit sa nasabing lugar ay bigla itong nagliyab.  

Nagresponde ang mga bumbero na agad namang naapula ganap na alas 8:17 ng umaga at walang iniulat na nasaktan sa nasabing insidente.

Show comments