MANILA, Philippines – Umiwas sa paggamit ng upuang may pinta para sa mga bata dahil sa taglay nitong lead na mapanganib sa isipan at panloob na bahagi ng katawan ng mga bata.
Ito ang paalala ng grupong ecowaste coalition sa mga magulang makaraang ma-detect ang lead na aabot sa 26,400 parts per million (ppm) sa dilaw na pinta ng isang metal tube frame mula sa ilang imported na children furniture.
Ang patong na pintura ng naturang mga silya ay may biyak, tuklap o nababalatan ay nagdudulot ng pagkalat ng mga mapanganib na chips at alikabok sa labas at bagay na maaring mahawakan ng mga paslit at maisubo.