^

Police Metro

Enrile at Napoles naghain ng ‘not guilty’ plea

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Not guilty!..

Ito ang inihain ni  Senador Juan Ponce Enrile at negosyanteng si Janet Napoles sa ginawang pagbasa ng sakdal sa Sandiganbayan 3rd division kahapon kaugnay ng kanilang kasong graft may kinalaman sa pork barrel scam.

Samantalang hindi naman nagpasok ng anumang plea ang akusadong si Atty Gigi Reyes sa kasong graft kaya’t ang korte na lamang ang nagpasok ng not guilty plea para sa kanya.

Iginiit ni Enrile na wala siyang ginawang anumang krimen hinggil sa nasabing kaso.

Pinaupo naman si Enrile sa lawyer’s table katabi ang dati nitong chief of staff na si Reyes dahil pareho naman daw ang mga itong abogado.

Nang magkatabi, napansin namang nagbatian at sandaling nag-usap ang dalawa.

Kasama sa isinalang sa arraignment sina on-leave Technology Resource Center (TRC) Chief Dennis Cunanan, Francisco Figura at Rosalinda Lacsamana na kapwa akusado sa natu­rang kaso. 

Itinakda ng graft court na isagawa ang pre-conference trial sa kaso mula Oktubre 16 hanggang Dis­yembre ng taong ito.

Agad naman ibinalik si Enrile sa PNP General Hospital sa Camp Crame habang parehong inihatid sina  Napoles at Reyes sa Camp Bagong Diwa, Taguig.

vuukle comment

ATTY GIGI REYES

CAMP BAGONG DIWA

CAMP CRAME

CHIEF DENNIS CUNANAN

ENRILE

FRANCISCO FIGURA

GENERAL HOSPITAL

JANET NAPOLES

REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with