‘Gadgets’ hirit ni Gigi sa Sandiganbayan

MANILA, Philippines - Nais ni Atty. Gigi Reyes, dating chief of Staff ni Senador Juan Ponce Enrile na payagan siya ng Sandiganbayan na makagamit ng laptop, malagyan ng wifi connection at printer ang kanyang selda sa Camp Bagong Diwa sa Taguig

 Sinabi ni  Atty. Anacleto Diaz, abogado ni Reyes, naghain sila ng mosyon sa  Sandiganbayan - Third Division upang payagan siyang magkaroon ng naturang gadgets at wifi sa kanyang selda upang makatulong sa paghahanda  ng depensa sa kaso nito.

 Ipinaliwanag  ni Diaz na sa Amerika ay pinapayagan ng korte  ang mga bilanggo na magka-access sa computer at internet kaya’t dapat din daw itong iparanas kay Reyes.

Kaugnay nito, itinakda ng graft court na dinggin ang mosyong ito ni Reyes sa September 8, 2015.

 Si Reyes ay kapwa akusado ni Enrile sa kasong plunder at graft may kinalaman sa pork barrel scam.

Show comments