Midwife dinukot ng 4 Abu Sayyaf

MANILA, Philippines - Isang komadrona ang dinukot ng apat na armadong kalalakihan na  pinaghihinalaang mga bandidong Abu Sayyaf Group kamakalawa sa Brgy. Libug  Kabaw, Pang­lima Estino, Sulu.

Ang biktima ay kinilalang si Lailani Anadi, midwife sa Luuk District Hospital na dinukot dakong alas-8:45 ng umaga sa nabanggit na lugar.

Nabatid na lulan ang biktima ng jeepney patungo sa kapitolyo ng Jolo nang harangin ng mga suspek at sunggaban ang biktima.

Tinutukan ang biktima ng baril at kinaladkad patungo sa direksyon ng kagubatan ng Brgy. Bagsak,  Talipao.

Show comments