^

Police Metro

Suspensyon kay Jinggoy, tuloy

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kaugnay ng kasong plunder at graft may kinalaman sa pork barrel scam ay pinagtibay na ng Sandiganbayan Fifth Division ang naunang desis­yon nito na suspendihin ng 90 araw si Senador Jinggoy Estrada.

Ito ay makaraang tanggihan ng graft court ang naisampang motion for reconsideration ng kampo ni  Estrada   dahil sa kakulangan ng merito.

Matapos mabusisi ng husto ang mga records at mga dokumento at iba pang mga ebidensiya ng graft court na naisumite sa kanila ay nakakita sila ng probable cause sa kaso, balido at malaman ang mga impormasyon na naisumite ng Ombudsman.

 Niliwanag din ng graft court na walang basehan ang mga ulat  na makakaapekto kay Estrada ang pagsuspinde rito ng Sandiganba­yan  para  sa panga­ngalaga sa mga consti­tuents dahil ang pagsuspinde umano rito ay hindi isang kaparusahan kundi isang pamamaraan lamang na ginagawa sa isang tauhan ng gobyerno na iniim­bestigahan sa anumang kasong kinasasangkutan nito.

KAUGNAY

MATAPOS

NILIWANAG

SANDIGANBA

SANDIGANBAYAN FIFTH DIVISION

SENADOR JINGGOY ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with