^

Police Metro

Sarhento tinodas ng kabaro sa kampo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa loob mismo ng kampo binaril at napatay ang isang Sarhento ng kasama nito nang maungkat ang matagal nilang alitan kamakalawa sa compound ng kanilang himpilan sa Brgy. Doña Cecilia, Sira­wai, Zamboanga del Norte.

Nasawi noon din ang biktima na  kinilalang si Sgt. Romeo Piedad, nakatalaga sa 1st Mechanized Infantry Division (ID) dahil sa mga  tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sumuko naman ang suspek na si Corporal Greggy Patpat, 31-an­yos sa kaniyang superior na si Lt. Chesler Mastino, Commanding Officer ng Charlie Company ng Army’s 10th Infanty Battalion (IB).

Sa ulat, naganap ang insidente sa compound ng Charlie Company ng 10th Infantry Battalion (IB) sa Brgy. Doña Cecilia, Sirawai ng lalawigan nang bigla na lamang walang kaabog-abog na pagbabarilin ng suspek  gamit ang armalite ang biktima.

Nabatid na naungkat ang matagal ng alitan sa pagitan ng biktima at ng suspek.

 

vuukle comment

BRGY

CECILIA

CHARLIE COMPANY

CHESLER MASTINO

COMMANDING OFFICER

CORPORAL GREGGY PATPAT

INFANTRY BATTALION

INFANTY BATTALION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with