^

Police Metro

Kulong ng habambuhay... Dennis Roldan guilty sa kidnapping

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ng korte ang dating actor at congressman na si Dennis Roldan matapos na mapatunayang nagkasala ng walang pag-aalinlangan sa kasong pangingidnap sa isang Filipino-Chinese na batang lalaki noong 2005.

Sa desisyong ibinaba kahapon ni Presiding Judge Rolando Mislang ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 167, si Roldan, o Mitchell Gumabao sa tunay na buhay, at dalawang kasabwat nitong sina Rowena San Andres at Adrian Domingo, ay sinentensyahan ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkabilanggo, dahil sa pagdukot kay Kenshi Yu, na noon ay tatlong taong gulang pa lamang.

Pinawalang-sala naman ng hukuman sa kaso ang isa pang akusado na si Octavio Garces. Pagkatapos ng pagdinig ay  kaagad nang ibiniyahe sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City si Roldan, na personal na dumalo sa  promulgasyon, gayundin sina San Andres at Domingo.

Batay sa record na si Roldan ay inaresto noong Pebrero 20, 2005 makaraan ang matagumpay na rescue operation sa biktima sa Cubao, Quezon City.

Pansamantala siyang nakalaya mula sa isang taong pagkabilanggo sa Pasig City Jail matapos na maglagak ng kalahating milyong pisong piyansa habang ang kanyang mga kapwa akusado ay nanatili sa bilangguansimula nang maaresto noong 2005. Hindi naman pinanghinaan ng loob si Roldan sa desisyon ng hukuman at sinabing simula pa lamang ito ng laban. Hindi pa rin umano siya nawawalan ng pag-asa dahil maaaring may misyon lamang para sa kanya ang Panginoon.

Tiniyak naman ng legal counsel ni Roldan na si Atty. Orlando Salatandre Jr. na iaapela nila ang kaso sa Court of Appeals.

ADRIAN DOMINGO

COURT OF APPEALS

DENNIS ROLDAN

KENSHI YU

MITCHELL GUMABAO

MUNTINLUPA CITY

NEW BILIBID PRISONS

OCTAVIO GARCES

ORLANDO SALATANDRE JR.

PASIG CITY JAIL

ROLDAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with