MANILA, Philippines - Humarap sa imbestigasyon ng Senado kaugnay ng umano’y overpriced na P2.7 bilyon sa ipinagawang gusali sa Makati City.
Ito ang naging hamon ni Caloocan Rep. Edgar Erice kay Vice President Jejomar Binay upang sa gayon ay sagutin ang alegasyon ng talamak na katiwalian sa halip na gamitin ang kanyang mga anak at mga ka-alyado sa pagdepensa sa isyu.
Binigyang-diin ng kinatawan ng Caloocan, walang sinumang government administrator o private sector executive ang gagastos ng P2.7-B para sa 11 palapag na parking at office building.
Sinabi rin ni Erice, binigyan pa nga nina Senators Alan Peter Cayetano at Antonio Trillanes si VP Binay ng venue para sagutin ang alegasyon ng katiwalian.
Anya, kung sino ang may gustong tumakbong presidente sa 2016 ay dapat na pumasa muna sa integrity at honesty test dahil responsibilidad ito ng susunod na Pangulo sa sambayanan.