3 tiklo sa P100-M shabu

Iprinisinta sa media ng mga otoridad ang nasa 3 kilong shabu  matapos na madakip ang tatlong drug pusher sa isang buy bust operation kamakalawa ng gabi sa Examiner St., Quezon City. (Ernie Peñaredondo)

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga otoridad ang tatlong tao sa isang buy bust operation at nasamsam sa kanila ang nasa P100 milyong halaga ng shabu kahapon ng umaga sa Quezon City.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Grace Navalta, 32; Anthony Pineda, 32; pawang taga Brgy. San Agustin, Novaliches; at Jesselito Cabaguero, 37 ng 22 Riverside Parampura, Tarlac City.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pag-aresto sa mga suspek dakong alas-5:45 ng umaga sa kahabaan ng West Avenue kanto ng Examiner St., harap ng isang restoran ay nakipag-transaksyon ang mga tropa QCPD-Anti Illegal Drugs Special Operation Task Group (QCPD-DAIDSOTG sa mga suspek para sa pagbili ng 2 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3 milyon.

Nagkasundo ang mga  suspek at poseur buyer ng DAIDSOTG  na magpalitan ng items sa nasabing lugar at  dumating ang mga suspek sakay ng isang kulay puting Honda City (UNO-122).

Nang inabot ng mga suspek ang marked money na dala ng isang poseur buyer  ay inaresto na ang mga ito na kung saan ay nagsulputan ang  mga nakatagong otoridad.

Nang siyasatin ang compartment ng kotse ng mga suspek ay nasamsam ang may 13 pakete ng shabu na tinatayang nasa isang kilo.

Show comments