^

Police Metro

Umiwas sa landslide… Truck hulog sa bangin: Bebot todas, 18 pa sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay ang isang 57-anyos na ginang habang labing walo katao pa ang nasugatan nang aksidenteng mahulog sa bangin ang mini-truck na sinasakyan ng mga ito matapos na umiwas sa landslide sa kahabaan ng highway sa Molave, Zamboanga del Sur kamakalawa.

Ang biktimang dead-on-the-spot ay nakilalang si Rosaria Encarnacion matapos na mapisak sa loob ng sasakyan, habang isinugod sa Osmeña Community Hospital ang 18 pang biktima na nagtamo ng malubhang sugat sa kanilang katawan.

Naganap ang sakuna dakong alas-6:30 ng gabi habang binabagtas ng Canter truck ang kahabaan ng highway ng Brgy. Ariosa ng naturang bayan nang biglang magkaroon ng landslide.

Tinangka ng driver na umiwas sa landslide pero minalas na mawalan ito ng kontrol sa manibela hanggang sa mahulog sa bangin ang truck.

Isinasailalim pa ng mga awtoridad sa masusing imbestigasyon   ang kasong ito.

vuukle comment

ARIOSA

BRGY

COMMUNITY HOSPITAL

ISINASAILALIM

NAGANAP

OSME

PATAY

ROSARIA ENCARNACION

TINANGKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with