MANILA, Philippines - Walang sasantuhin at pagtatakpan sa lumabas na resulta na human error ang nangyaring pagkadiskaril ng tren ng Metro Rail Transit (MRT-3) noong Agosto 13 sa Edsa-Taft Avenue Station na nagresulta ng pagkakasugat ng 34 katao.
Ginawa ni Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya ang pahayag na ‘human error’ at hindi maintenance ang naging sanhi aksidente kasunod ng mga naglutangang haka-haka na ibinunton na lamang nila sa kakasuhang dalawang train operator at mga control center personnel ang insidente dahil sa hindi nasunod ang tamang coupling procedure, lumabag sa 15 kilometers per hour (kph) speed limit ang nag-asisteng tren at hindi pagtupad sa protocol na sa
pinakamalapit na istasyon dadalhin ang distressed train.
Wala rin umanong tamang koordinasyon ang mga drivers at control center personnel na nagresulta sa aksidente.