^

Police Metro

Biyenan kinatay ng manugang

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Walang awang pinagtataga hanggang sa mapatay  ng isang manugang ang kanyang biyenan nang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa hindi pa malamang kadahilanan kamakalawa ng gabi sa kanilang bahay sa Brgy. Seroan, Katipunan, Zamboanga del Norte.

Namatay noon din ang biktima na kinila­lang si Leonardo Vallacer, 55-anyos.

Kusang loob na sumuko sa  pulisya ang suspek na si Nilo Hinotan, 38 bitbit ang gulok na ginamit sa krimen na may habang 18 pulgada.

Batay sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang magbi­yenan sa hindi pa alam na kadahilanan.

Posibleng napikon ang manugang at kumuha ng itak at pinagtataga ang biyenan hanggang sa ito ay masawi. 

BATAY

BRGY

KATIPUNAN

KUSANG

LEONARDO VALLACER

NAMATAY

NILO HINOTAN

NORTE

POSIBLENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with