Karnaper napatay sa loob ng bahay

MANILA, Philippines - Mismong sa loob ng kanyang bahay sa Bacoor City, Cavite na­patay ang isang lalaki nang makipagbarilan sa mga humahabol na pulis matapos na tangayin ang isang tricycle sa Kawit, Cavite.

Ang napatay na suspek ay kinilalang si Alejandro Samonte, alyas Bingot ng Brgy. Mabolo 2, Bacoor City, Cavite. 

Batay sa ulat, bago nangyari ang shootout sa bahay ng suspek ay tumangay muna ito ng isang tricycle sa Kawit, Cavite.

Nagsagawa ng pag­tugis ang pulisya hanggang malaman nila na ang tricycle na pag-aari ni Emmanuel Dubleso, 53, ng barangay Tramo, Bantayan, Kawit, Cavite ay dinala sa bahay ng suspek sa Bacoor City.

Nang makorner ang suspek sa kanyang bahay ay hindi ito sumuko at pinaputukan ang mga pulis hanggang sa nauwi sa shootout na ikinasawi ng una.

 

Show comments