^

Police Metro

2 Bulgarians kulong ng 6 taon sa ATM fraud

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Anim na taong pagkakabilanggo ang inihatol ng korte sa dalawang Bulgarian national na naaresto habang nagka­kabit ng skimming device sa Automated Teller Machine (ATM) sa isang sikat na mall sa lalawigan ng Pampanga.

Ang mga dayuhang suspek ay kinilalang  sina Mladenov Emil Sotyanov at Kanev Lyuben Georgiev na naaresto noong Mayo 15, 2014 sa loob ng nasabing mall sa Pampanga habang naglalagay ng skimming device sa isang ATM machine.

Bukod sa kulong ay pinagmulta rin ni Judge Divina Luz Aquino-Simbulan ng Regional Trial Court ng Angeles City Branch 41 ang dalawang banyaga ng tig P 20,000 bawat isa kaugnay ng kasong kriminal laban sa kanila.

Nasamsam mula sa mga ito ang tatlong data port cable matching ng ATM card skimmer, screw driver na ginagamit sa pagkuha ng ATM cards at laptop na ginagamit sa decoding ng ATM accounts.

Patuloy rin ang imbestigasyon ng pulisya upang alamin kung kasamahan sa ATM fraud syndicates ng dalawang suspek ang isang naarestong Romanian noong Pebrero ng taong ito sa kahalintulad din na kaso.

 

ANGELES CITY BRANCH

ATM

AUTOMATED TELLER MACHINE

BUKOD

JUDGE DIVINA LUZ AQUINO-SIMBULAN

KANEV LYUBEN GEORGIEV

MLADENOV EMIL SOTYANOV

PAMPANGA

REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with