Draft decision ng HRET, nag-leak

MANILA, Philippines - Isang draft decision umano ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) na diringgin pa sa Agosto 28 ang nag-leak.

Ito ang ibinunyag ni Marinduque Cong.  Regina Reyes na umano ay  inihahanda ng isang prominenteng Associate Justice ng Korte Suprema na nagsi-circulate na umano sa mga miyembro ng HRET.

Ikinababahala ni Congw. Reyes na maimpluwensyahan ang kanilang disposisyon sa kaso at katigan ang desisyon ng Comelec na nagdidiskuwalipika sa pwesto  pabor sa nakalabang si Lord Alan Velasco.

Nabatid na ang nakakaalarmang insidente ay lumutang kasunod nang isang ulat na kamakailan ay ilang miyembro ng HRET umano ang nakasama sa dinner sa New York ni Lord Alan.

Nanawagan si Reyes sa mga miyembro ng HRET na manindigan sa kanilang sariling conviction at
huwag magpaimpluwensya sa mga hakbang ng kanyang kalaban at mga kasabwat.

Show comments