MRT train, sumalpok sa barrier sa Taft Ave. station
MANILA, Philippines - Nasa 30 pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) ang nasugatan matapos na sumalpok at lumampas sa barrier ang tren sa southbound ng Taft Avenue station kahapon ng alas-3:00 ng hapon.
Ayon kay Pasay Police Chief Florencio Ortilla na dumiretso hanggang sa may intersection ang tren at pinatumba ang ilang poste ng kuryente, bukod pa sa ilang nasaging sasakyan.
Halos kalahati pa ng pangalawang bagon ang lumusot sa concrete barrier.
Sa inisyal na imbestigasyon, nagkaroon umano ng problema ang brakes ng tren.
Ayon sa mga saksi na lumampas sa barrier ang unang bagon na pawang mga babae at matatanda ang sakay.
Ang mga pasaherong nasugatan ay isinugod sa San Juan De Dios Hospital Pasay City General Hospital.
Ayon sa isang pasahero na doon pa lamang sa Magallanes station ay mayroon nang aberya ang tren kaya’t kahit ginusto na umano ng ilan na bumaba ay hindi pinayagan hanggang sa tuluyang maaksidente sa may Taft.
Nagdulot na rin ng matinding pagsisikip sa trapiko ang aksidente.
- Latest