Trader inutas sa Antipolo

MANILA, Philippines - Isang negosyante ang nasawi nang pagbabarilin  ng dalawang lalaki na kung saan ay kritikal ang isang 11-anyos na bata na tinamaan ng ligaw na bala naganap kamakalawa sa Antipolo City, Rizal.

Ang biktima na namatay noon din ay kinilalang si Isaias Nicolas alias Ace, 59, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ginagamot naman si John Paul Gabad, 11, na galing sa eskwela at pauwi na sa kanilang bahay  nang tamaan ng ligaw na bala sa katawan.

Ayon kay  Inspector Rhonnie Ariola, commander ng  Police Community Precinct 2, dakong alas-5:40 ng hapon ay kabababa lang ng biktima sa kanyang Wrangler jeep sa tapat ng Sta. Cruz Elementary School sa kahabaan ng Olalia Road, Barangay Sta. Cruz nang biglang sumulpot ang dalawang suspek at pagbabarilin ito.

Si Gabad naman ay nagkataong naglalakad sa lugar nang tamaan ng ligaw na bala.

Show comments