Parak todas, ka-live in kritikal sa pamamaril

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ang isang pulis at live in partner nito habang nakatayo sa harap ng kanilang bahay ng dalawang lalaki na sakay ng isang SUV kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Namatay noon din ang biktimang si SPO3 Rolando Lavarez, 54, ng  Police Community Precint (PCP) 3, Muntinlupa City Police at residente ng Antonio Compound, Sitio Fantastic, Barangay Alabang ng lungsod dahil sa tama ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nasugatan naman at ginagamot sa Ospital ng Muntinlupa ang live-in partner nitong na si Madonna Belono, 33, nakatira sa naturang lugar dahil sa tinamong ng bala sa kaliwang braso, kili-kili at pisngi.

Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi habang nakatayo ang mag-live- in sa tapat ng kanilang bahay nang dumating ang isang Ford Everest na hindi na plakahan na may sakay ng dalawang lalaki at walang kaabog-abog na pinagbabaril ang mga ito.

Show comments