Mister nagtampo kay misis, nagbigti

MANILA, Philippines - Winakasan ng isang 34-an­yos na mister ang sarili sa pamamagitan ng pagbibigti dahil sa ma­tinding pagtatampo nang sila ay mag-away ng kanyang misis kamakalawa sa Zamboanga City.

Natagpuang nakabigti dakong alas-6:30 ng umaga sa silid ng kanilang bahay ang biktimang si Edmond Roy Invierno, residente ng Riverside, Brgy. Abong-Abong sa lungsod.

Agad na isinugod ang biktima sa Ciudad Medical Hospital sa Zamboanga City pero idineklara na itong dead on arrival.

Sa imbestigasyon, bago ang pagpapatiwakal ay inaway umano ang biktima ng kanyang misis sa hindi pa malamang kadahilanan.

Kaya’t sumama umano ang loob at nagkulong sa kuwarto hanggang sa madiskubre ng kasambahay na ito ay nagpakamatay.

Show comments