‘Inday’ binabantaan ang Cagayan

MANILA, Philippines - Patuloy na nagbabanta ang bagyong Inday sa Cagayan matapos na ito ay mamataan ng PAGASA dakong alas-11:00 ng umaga sa layong 870 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan  taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna.

 Kumikilos si Inday sa pahilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.

Ngayong Miyerkules ng umaga, tinaya ng PAGASA na  si Inday ay inaasahang nasa  layong 690 kilometro ng silangan  hilagang silangan ng  Aparri, Cagayan at sa araw ng Huwebes ay inaasahang nasa layong 695  kilometro hilagang silangan ng Aparri, Cagayan.

Show comments