^

Police Metro

8 preso nakapuga sa Quezon Jail

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Walong preso ang pumuga sa kanilang mga selda sa Gumaca, lalawigan  ng Quezon.

Sa ulat ng  Bureau of Jail Management and Peno­logy (BJMP) na walong preso ang tumakas sa district jail sa Gumaca, Quezon kahapon ng madaling-araw.

Ang mga pumugang preso ay kinilalang sina  Anthony Garcia Revilla, may kasong murder; Geraldel Cruz, robbery; Florante Mergenio Arguelles, murder; Freddie Ordiales Nicol, murder; Joseph Alvares, carnapping; Zeus Nierva, robbery; Joel Senosin, frustrated murder at Alejandro Villa, attempted murder.

Sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling araw ng tumakas ang nasabing mga preso na sinamantala ang blackout sa lugar nang lagariin ang selda sa bintana ng kanilang piitan.

Napag-alaman pa na mahigit 100 ang inmates na nakapiit sa nasabing lugar na nililitis na ng korte sa kanilang mga kaso.

Posible anyang marami pa umanong preso ang nakatakas kung hindi sumigaw ang iba pang mga preso sa ibang selda na nakita ang pangyayari bagay na umalerto sa mga jailguard at pulis dito.

 

ALEJANDRO VILLA

ANTHONY GARCIA REVILLA

FREDDIE ORDIALES NICOL

GERALDEL CRUZ

GUMACA

JOEL SENOSIN

JOSEPH ALVARES

QUEZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with