^

Police Metro

Inisyuhan ng ‘Show cause order’ 6 Supermarket, 33 tindahan lagot sa DTI

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bunsod ng pagbebenta ng mga produktong lagpas ang presyo sa pinaiiral na Suggested Retail Prices (SRPs), kaya  inisyuhan ng Departmet of Trade and Industry (DTI) ng “show cause orders” ang anim na mga supermarket at 33 tindahan sa Metro Manila.

Pinagpapaliwanag ng DTI ang mga may-ari ng tindahan bago ang posibilidad na masampahan ng kasong paglabag sa “The Price Act of the Philippines”. Sa ilalim nito ang mga mapapatunayang nagkasala ay maaring patawan ng parusang pagkakulong ng mula lima hanggang 15 taon at multa na mula P5,000 hanggang P1 milyon.

Tinukoy ng DTI ang sumusunod na mga supermarket na hindi umano sumusunod sa SRP: Cash and Carry Supermarket sa  Makati; Landmark Supermarket sa Makati; Topline  sa Las Piñas; Shopwise Supermarket sa Muntinlupa; Waltermart sa EDSA at South Supermarket sa  Valenzuela.

Ang 27 tindahan at stalls naman na nakitang lumabag ay pawang nasa: Pritil Public Market sa Maynila; Libertad Public Market sa Pasay; Muntinlupa Public Market; Comembo Public Market sa Makati; New Las Piñas Public Market; Agora Public Market sa Navotas; Malabon Central Market  at Bonifacio Public Market sa Caloocan.

Ayon sa DTI, ito ang resulta ng isinagawang inspeksyon ng kanilang mga tauhan sa iba’t ibang supermarkets at mga palengke para matiyak na sumusunod ang mga negos­yante sa tamang presyo ng mga bilihin.

Kabilang sa mga produktong madalas na inaabuso ang presyo ang mga de-latang pagkain tulad ng sardinas, meat loaf, beef loaf, luncheon meat, corned beef, coffee refill, panlabang sabon, fish sauce, soy sauce, gatas, suka, sabon, at baterya.

AGORA PUBLIC MARKET

BONIFACIO PUBLIC MARKET

CASH AND CARRY SUPERMARKET

COMEMBO PUBLIC MARKET

DEPARTMET OF TRADE AND INDUSTRY

LANDMARK SUPERMARKET

MAKATI

MARKET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with