^

Police Metro

INC bigyan ng pagkilala

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nais ng isang kongresista na bigyang pagkilala ang Iglesia Ni Cristo (INC) dahil sa pagpapatayo nito sa Philippine Arena, na maituturing na pinakamalaking indoor arena sa buong mundo.

Sa House Resolution 1304, na inihain ni Negros Occidental Rep. Alfredo Benitez, iginiit nito na wala pang organisasyon o religious groups na katulad ng INC  ang nakapagpatayo ng isang istruktura na katulad ng Philippine Arena.

Paliwanag pa ni Benitez na kung nagbibigay ng parangal at pagkilala ang Kongreso sa mga Pilipinong nagbibigay ng karangalan sa larangan ng boksing, iba pang sports gayundin ang mga beauty titlist ay dapat din itong gawin  sa INC.

Ang Philippine Arena ay siyang pinakamalaking istruktura sa loob ng Ciudad de Victoria sa Bocaue, Bulacan na may 55,000 seating capacity na sinundan ng Philippine Sports Stadium na may 21,000 seating capacity.

Naniniwala ang kongresista na hindi lamang world record ang dulot ng Philippine Arena sa bansa kungdi ma­ging ito ay sigurado makatutulong sa trabaho at turismo.

Sinabi pa ni Benitez na ang Philippine Arena bukod sa pagiging world class nito ay kaya rin nitong ‘lumaban’ sa malalakas na lindol at bagyo.

vuukle comment

ALFREDO BENITEZ

ANG PHILIPPINE ARENA

ARENA

BENITEZ

IGLESIA NI CRISTO

NEGROS OCCIDENTAL REP

PHILIPPINE ARENA

PHILIPPINE SPORTS STADIUM

SA HOUSE RESOLUTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with