Parak dedo sa sariling baril

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang pulis matapos tamaan ng bala sa ulo nang aksidenteng pumutok ang nililinisang baril sa loob ng kanyang bahay kamakalawa sa Zone 5, Zambowood, Zamboanga City.

Ang nasawi ay kinilalang si PO1 Alfredo Magbanua Piola.

Sa ulat ni Inspector Dahlan Samuddin, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9, dakong alas-11:15 ng gabi ay kasaluku­yang nililinis ni Piola ang kaniyang service firearm sa kanilang bahay nang aksidente itong pumutok.

Duguang bumulag­ta ang biktima na ba­gaman nagawa pa ng kaniyang mga kasambahay na isu­god sa pagamutan ay na­bigo ng maisalba ang buhay nito.

Show comments