‘Henry’ lalong lumakas at bumilis

MANILA, Philippines - Habang papalapit sa Luzon ay higit pa umanong lumakas at bumilis ang bagyong Henry.

Nabatid na alas-11:00 ng umaga kahapon ay namataan ng PAGASA ang bagyong Henry sa layong 560 kilometro silangan ng Guuian, Eastern Samar taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 95 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso ng ha­ngin na umaabot sa 120 kilometro kada oras.

Kumikilos si Henry sa bilis na 19 kilometro kada oras papunta sa hilagang kanlurang direksiyon sa Taiwan.

Bagama’t lumalakas at bumibilis ang bagyong Henry ay wala naman itong  direktang epekto sa alinmang  bahagi ng ating bansa.

Ngayong araw ng linggo, ang bagyong Henry ay inaasahang nasa layong 470 kilometro ng silangan ng Virac, Catanduanes at sa Lunes ng umaga ay inaasahan na nasa layong 410 kilometro ng silangan ng Tuguegarao, Cagayan at sa Martes ng umaga ay inaasahang nasa layong 120 kilometro silangan ng Basco, Batanes.

 

Show comments