MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang provincial planning officer ng Maguindanao nang pagbabarilin ng motorcycle riding in tandem habang hinihintay ang kaniyang anak na sinusundo nito sa eskuwela kamakalawa ng hapon sa Cotabato City.
Ang nasawi ay kinilalang si Sadat Pandalat, 48-anyos, nagtamo ito ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Sa ulat ni Sr. Supt. Rollen Balquin, hepe ng Cotabato City, dakong alas-4:10 ng hapon ay kararating lamang ng biktima sa labas ng eskuwelahan at ipinarada ang kaniyang sasakyan sa Datu Odin Sinsuat Avenue para sunduin ang paglabas ng anak nang sumulpot ang mga suspek.
Pagtapat sa biktima ay pinagbabaril ito nang sunud-sunod hanggang sa duguang bumulagta.