NPA vs. sundalo, 2 patay 1 sugatan

MANILA, Philippines - Dalawang sundalo ang patay habang isa ang sugatan nang  makasagupa ng tropa ng una ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Buenavista, Himamaylan City, Negros Occidental nitong Huwebes ng hapon.

Ayon kay Major Ray Tiongson, Spokesman ng Army’s 3rd Infantry Division (ID), naganap ang bakbakan dakong alas-2:15 ng hapon habang nagsasagawa ng Peace and Development Program ang mga sundalo  ay pinagbabaril ang mga ito ng 30-miyembro ng NPA.

Bunsod nito’y nakipaglaban ang tropa ng militar ng halos 30-minuto na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang sundalo na sina Corporal Napoleon Supresencia at  Private First Class Henry Lumio Jr. at pagkasugat ni Private First Class Leland Sucatre.

Nagawa namang matangay ng mga rebelde ang dalawang M16 rifles ng mga napatay na sundalo. Sinabi ng opisyal na pinaniniwalaang nalagasan rin ng puwersa ang mga kalaban base sa mga patak ng dugo na nakita sa lugar na dinaanan ng mga ito sa pagtakas.

 

Show comments