NGO ni Napoles, inendorso ni Bong-COA

MANILA, Philippines - Sa pagsalang kahapon sa witness stand ni Asst.Commissioner Susan Garcia ng Commission on Audit (COA) sa Sandiganbayan ay sinabi nito na mismong si Senador Bong Revilla umano ang nag-endorso sa NGO ni Janet Napoles para magamit ang kanyang  Prio­rity Development Assistance Fund (PDAF) o kilala sa tawag na pork barrel.

  Idinagdag pa ni Garcia  na sumulat din sa COA si Revilla na nagkukumpirma na ang lagda ng endorsement  para rito ay kanya.

Si Revilla din umano ang nag-endorso sa COA  kay Atty. Richard Cambe, kapwa akusado ng mambabatas sa kasong plunder na ito ang kanyang authorized representative.

Ang pagsalang ni Garcia sa witness stand ay sa isinampang mosyon ni Revilla na siya ay payagang makapagpiyansa.

 

Show comments