Mag-asawa nabundol ng trak

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kon­disyon ang isang mag-asawa matapos mabundol ng isang truck habang magkaangkas sa isang motorsiklo kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Ang mag-asawa na ginagamot sa St. Lukes Medical Center sanhi ng mga pinsala sa ulo at katawan ay kinilalang sina Glensen Barona, 31 at Mary Joy, 25, kapwa residente ng Puting Bato, Tondo, Maynila.

Ang suspek na naaresto ng pulisya ay si Ro­gelio Villa Jr., 24,  ng Carranggian, Nueva Ecija.

Sa ulat, alas-8:00 ng umaga ay angkas ni Glensen ang asawa sa motorsiklo at pagsapit sa Rizal Avenue Extesion ay nabundol sila ng truck ng suspek na ga­ling  naman sa 7th Avenue ng lungsod.

 

Show comments