96 paaralan nabiyayaan ng teaching tools project ni Joy B
MANILA, Philippines - Nasa 96 paaralan sa Quezon City ang nabiyayaan ng 200 Alpabasa Sets, isang teaching tool na gamit ng mga mag-aaral sa kinder at grade 1 students upang mahasa ng husto ang kaalaman ng mga mag aaral sa pagbasa.
Ang proyektong ito ay inilunsad ni QC Vice Mayor Joy Belmonte sa P. Bernardo Elementary School.
Bago naisagawa ang pamamahagi ng Alpabasa sets, may 100 kinder teachers at 100 grade1 teachers ang sumailalim sa training workshop upang malaman kung paano gamitin ang Alpabasa sets na kanilang gagamitin sa mga mag-aaral bilang bago nilang teaching styles sa mga paaralan.
- Latest