MANILA, Philippines - Doon mismo sa lugar kung saan nagsasagawa nang pagmimina nasawi ang dalawang minero nang aksidenteng makalanghap ng methane gas sa isang coal mining site sa Zamboanga Sibugay.
Kinilala ang dalawang nasawi na sina Rene Talova, 35 ng La Fortuna, Malangas, at Mark Jay B. Pantaleon, 19 ng Poblacion, Diplahan sa naturang lalawigan.
Batay sa ulat, ganap na alas-10:00 ng umaga habang nagtatrabaho ang dalawang biktima sa coal mining site na pag-aari ng isang Artemio Pantaleon nang sila ay makalanghap ng methane gas.
Nakuha ang bangkay ng mga biktima ng rescuer dakong alas-2:45 ng hapon.