Mister iniwan ni misis, nagbigti

MANILA, Philippines - Ang sobrang depresyon matapos iwanan ng misis ang posibleng dahilan kung kaya’t nagbigti ang isang mister kamakalawa sa loob ng kanyang bahay sa Zamboanga del Sur.

Kinilala ang biktimang si Joel Gutierrez, 29-anyos, magsasaka  ng Barangay Kabuhi, Mahayag, Zamboanga del Sur.

Batay sa ulat, natagpuang nakabigti ang bangkay ng biktima ganap na alas- 9:00 ng umaga.

Nabatid na noong Hun­yo 26 nang iwanan ang mister ng misis na si Michelle dahil sa umano’y sa bisyo at pagiging seloso nito.

Ayon kay Michelle, hindi niya akalain na totohanin ng kanyang mister na magpapakamatay ito kapag nilayasan niya.

 

Show comments